Popular Posts

Monday, November 18, 2013

My First Love and First Heartbreak Part One

“Everything happens for a reason, but it would be nice for once to know what the reason is.”

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano kaya ang dahilan na sa edad na 28 ay “NBSB” pa din ako. Oh yeah, member ako ng “No Boyfriend Since Birth”!!! Di naman siguro ako ganun kapangit para walang magkagusto sa akin… Kahit papaano naman may nagparamdam na gusto ako maging GF… Iisipin naman ng iba pihikan ako? Choosy pa ako eh hindi naman kagandahan?… Di naman ako abnormal, kasi kahit papaano nagkakacrush at nagkakagusto naman ako sa lalaki. Pero ang mainlove ng bongga? Di pa talaga eh… Paano ba malalaman kapag tinamaan na nang pana ni Kupido? Sabi nang mga kaibigan ko mahal ko na daw yung dahilan ng post na ito. Pero ayoko pa rin aminin sa sarili ko… Ang saklap naman kasi eh… Di ko pa man nararanasan ang magka-Dyowa at maging masaya sa larangan ng PAG-IBIG, nauna pa ipaexperience sa akin ang First HEARTBREAK ko… Huhuhu… Pero ganyan talaga ang buhay… Sana man lang sa pagdaan ng araw masagot ang mga katanungan ko kung ano ang dahilan at bakit nangyari ang lahat ng mga ito.

September 2011
Binigay nung officemate/friend ko yung number ko sa Highschool classmate nya. At yun na nga ang simula… Naging magkatextmate kami ni AC, isa siyang Seaman dun sa sister company kung saan ako nagwowork ngayon. September 24, 2011 nang nagyaya siya na magkita kami. So nagkita kami sa may SM North mga 6PM na yata yun dahil galing pa ako ng Pampanga. Kain at kwentuhan lang naman saglit dahil medyo nagmamadali ako dahil ayoko talaga ng late umuuwi.

Hindi na nasundan yung pagkikita naming iyon. Pero kahit papaano nagkakatext pa din kami. Inaamin ko magaan yung loob ko sa kanya di ko alam kung bakit. Kung anu-ano lang napagkukwentuhan naming: family, work, friends, lovelife… Dumating din sa point na nagkakabolahan na… May time lang na nakakainis na feeling ko gusto nya ko baguhin sa kung ano gusto nya. Mag-ayos daw ako, ibahin ko yung klase ng pananamit ko, etc… Di kasi ako nagmemake-up at comfortable ako sa shirt at jeans lang. Di ako Kikay!

Okay naman sya katext kahit papaano natutuwa naman ako sa kanya. Feeling ko mabait naman siya lalo na sa mga pamangkin nya lagi nya kasi kinukwento sila sa akin. Yun nga lang ramdam mo din pagkabolero nya.

          “Maganda ka naman kaso sobrang simple mo.”
          “Mag-ayos ka lang sigurado madami mga seaman magkakagusto sa’yo.”
          “Bakit ba kasi ayaw mo magpaligaw sa akin?”
          “Pagbalik ko liligawan kita.”

Ilan lamang yan sa mga natatandaan kong text nya na feel na feel ko ang pagkabolero nya. Hanggang sa tumatagal naging madalang na kami magtext dahil wala na kami mapag-usapan. Dumating din yung time na kinumusta kami nung officemate ko kung magkausap pa daw kami kasi medyo nabadtrip siya sa kanya kasi nabalitaan nya na binalak yata ligawan ni AC yung classmate nila at medyo may dialogue pa siya na “Successful naman na ako kayang-kaya kita bigyan ng magandang kinabukasan.” Medyo may kayabangan daw, kaya nag-alala yung officemate ko kung nagpakita rin yun sa akin ng kayabangan. Pero hindi naman. Hindi lang talaga sya interesado sa akin kaya bihira na lang kami mag-usap nun. Or hindi lang talaga siya interesado sa akin, kasi kung interesado sya kahit papaano eh niyaya niya sana ako magkita ulit di ba?

December 2011 nang makachat ko sya sa FB habang naghihintay siya ng flight niya bago sumampa sa barko. At ramdam ko baka yun na yung huling usap namin at kahit na makabalik na sya ay makakalimutan na nya ako. E di OK lang ganun talaga, e di kami swak sa isa’t isa eh… After nun mga January or February yata yun ng bigla kong makita na may update sya sa FB na “In a Relationship” na sya last August 2011 pa. So ibig sabihin lang bago pa kami magkakilala ay may Girlfriend na siya. Hmmm… Nasabi ko na lang sa sarili ko na “Kaya Pala!”

---End of Part One---

No comments:

Post a Comment