Popular Posts

Saturday, November 16, 2013

PARA SAAN ANG BLOG NA ITO?

Ewan ko ba! Simula ng maranasan ko ang first heartbreak ko feeling ko nababaliw na ako. Madalas na kinakausap ko ang sarili ko kapag nag-iisa ako. Madalas na nag-iisip ng kung anu-ano na mga pangyayari sa buhay ko. Dati naman hindi ako ganun. Kung may mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko nagagawa ko na wag masyadong dibdibin.

Anyare ngayon? Feeling ko sobrang bitter ko, sobrang lonely ko ... Everyday na lang lagi kong naiisip ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko na dati naman nakakaya kong deadmahin. Hindi naman sa galit ako sa mundo, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit sa dibdib lang na puro negative lang ang naiisip ko kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay.

Alam ko na maraming tao naman ang nagmamahal sa akin at marami akong kaibigan na mapagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng mga problema. Pero may mga bagay kasi na hindi ko pa kayang sabihin or hindi ko alam paano sasabihin sa kanila. Akala ko kering-keri ko lang dalhin lahat sa sarili ko ang mga pangyayari sa buhay ko na kadalasan ay mga malulungkot na karanasan. Kaso napuno na yata ang lagayan ko eh, kaya heto ako ngayon ginagawa ang blog na ito.


Sa blog na ito isusulat ko ang nararamdaman ko sa mga nangyayari sa buhay ko na kadalasan ay di ko maishare sa mga taong malalapit sa akin. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, may mga bagay lang kasi na mahirap sabihin kahit sa mga mahal natin kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi mo maintindihan.

Sana kahit sa pamamagitan ng blog na ito ay gumaan ang aking pakiramdam sa kung anuman na mga kaechosan ang isusulat ko dito. At kahit papaano kung may makakabasa man nito ay matulungan ako sa aking mga kadramahan at maktulong din ako sa may kapareho ko ng sitwasyon.

Pasensya na rin sa mga taong maisusulat ko dito, na mas pinili ko na dito sabihin ang nararamdaman ko kaysa sabihin sa inyo ng harapan.

Maraming salamat din sa mga taong magbabasa ng mga posts ko at maappreciate ko kung mabibigyan nyo ko ng mga advices kung ano gagawin ko sa mga bagay na gumugulo sa isip ko.

-anonymous girl-

No comments:

Post a Comment