Popular Posts

Friday, November 29, 2013

TAGALOG KOWTS #1-30

1. Walang pinipili ang pag-ibig kahit mahirap ka pa o mayaman pero paano kung minahal ka ng isang mahirap at isang mayaman sino pipiliin mo? The one who has everything or the one who has nothing but willing to give everything?

2. Have you feel the pain of being in love? Yung tipong ginawa mo na ang lahat pero di niya nakita… Would you continue to love him? Or let the love pass until you can say “finally I’m totally over him.”

3. Minsan nagagawa nating maglaro kahit may mahal na tayong iba pero di mo ba naisip paano kung ikaw ang nasa posisyon niya? Masakit ding isiping pinaglaruan ka diba?

4. Pasaway talaga ang puso sabing wag yun sige pa rin. Sabing tama na tuloy pa rin! Sino nga bang totoong pasaway? Puso na walang ginawa kundi magmahal ng totoo o utak na di marunong magpakatotoo?

5. Di ba masarap ang magmahal? Lalo na kung mahal ka rin niya. Pero ano ang mas masarap? Ang minahal mo siya o ang pinilit mong mahalin ka niya?

Tuesday, November 26, 2013

SPIRITUAL QUOTES #1-30

1. Obstacles or opportunities … it depends upon the way you look at them. Trust God who is able to use your misery to become your ministry.

2. Some people think God is unfair for putting thorns on roses. Instead, let’s thank God for putting the roses on the thorns … the trials of life shape our character.

3. Jesus is the living water that quenches the thirst of your soul that satisfies you with good things. He flows over you fulfilling your deepest desires and meeting your greatest needs.

4. The strongest people have the worst problems, the worst trials, the worst situations. It’s not because God wants them to suffer, but it’s because God trusts them so much, He gave them something He knows they can overcome. And something that would help them realize that everybody can be your companion but not everyone can be your friend. Be thankful for God’s trials they are His gifts to strong people like you.

5. Your value in God’s eyes never changes. No matter how many times you fail Him or how many mistakes you make, your value in God’s eyes remains exactly the same… you are greatly blessed, highly favored and deeply loved.

Thursday, November 21, 2013

LOVE QUOTES #1-30


1. You don’t have to be perfect to let somebody love you the way you wanted to be loved, always remember that being simple is the most perfect way to make someone fall in love with you.

2. It takes a lifetime to find a perfect love and it only takes a moment to lose it forever, so if you love someone don’t give up… because a lost today is a lost forever…

3. Don’t let false love fool you, but don’t let real love pass you by. ‘Coz the easy part of life is finding someone to love, the hard part is finding someone to love you back.

4. You might find it easy to fall in love with someone. The hard thing is how to keep that someone forever but that’s the challenge of love: fighting without knowing how to win.

5. If someone throws you a stone, throw back bread. But if its love, think first don’t just throw back love, it can hurt more than a stone.

Monday, November 18, 2013

My First Love and First Heartbreak Part One

“Everything happens for a reason, but it would be nice for once to know what the reason is.”

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ano kaya ang dahilan na sa edad na 28 ay “NBSB” pa din ako. Oh yeah, member ako ng “No Boyfriend Since Birth”!!! Di naman siguro ako ganun kapangit para walang magkagusto sa akin… Kahit papaano naman may nagparamdam na gusto ako maging GF… Iisipin naman ng iba pihikan ako? Choosy pa ako eh hindi naman kagandahan?… Di naman ako abnormal, kasi kahit papaano nagkakacrush at nagkakagusto naman ako sa lalaki. Pero ang mainlove ng bongga? Di pa talaga eh… Paano ba malalaman kapag tinamaan na nang pana ni Kupido? Sabi nang mga kaibigan ko mahal ko na daw yung dahilan ng post na ito. Pero ayoko pa rin aminin sa sarili ko… Ang saklap naman kasi eh… Di ko pa man nararanasan ang magka-Dyowa at maging masaya sa larangan ng PAG-IBIG, nauna pa ipaexperience sa akin ang First HEARTBREAK ko… Huhuhu… Pero ganyan talaga ang buhay… Sana man lang sa pagdaan ng araw masagot ang mga katanungan ko kung ano ang dahilan at bakit nangyari ang lahat ng mga ito.

Saturday, November 16, 2013

PARA SAAN ANG BLOG NA ITO?

Ewan ko ba! Simula ng maranasan ko ang first heartbreak ko feeling ko nababaliw na ako. Madalas na kinakausap ko ang sarili ko kapag nag-iisa ako. Madalas na nag-iisip ng kung anu-ano na mga pangyayari sa buhay ko. Dati naman hindi ako ganun. Kung may mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko nagagawa ko na wag masyadong dibdibin.

Anyare ngayon? Feeling ko sobrang bitter ko, sobrang lonely ko ... Everyday na lang lagi kong naiisip ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko na dati naman nakakaya kong deadmahin. Hindi naman sa galit ako sa mundo, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit sa dibdib lang na puro negative lang ang naiisip ko kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay.

Alam ko na maraming tao naman ang nagmamahal sa akin at marami akong kaibigan na mapagkakatiwalaan at mapagsasabihan ng mga problema. Pero may mga bagay kasi na hindi ko pa kayang sabihin or hindi ko alam paano sasabihin sa kanila. Akala ko kering-keri ko lang dalhin lahat sa sarili ko ang mga pangyayari sa buhay ko na kadalasan ay mga malulungkot na karanasan. Kaso napuno na yata ang lagayan ko eh, kaya heto ako ngayon ginagawa ang blog na ito.